Una sa lahat, nararamdaman ko na naman ang lamig ng simoy ng hangin, yung tipong kala mo gabi gabi laging may bagyo dahil sa lamig ng hangin. Pag may bibilhin ka sa tindahan, naglalabasan na ang mga bonggang Ilaw na naglalaro sa aking mata, ang mga ilaw ng kapaskuhan, christmas lights, mga nag-gagaraang mga Parol at mga bonggang Christmas Tree ng bawat Baranggay at Siudad. Well, anyway, natutuwa lang ako, naaalala ko yung kabataan ko, simula nung paslit pako, nangangaroling kami gamit ang tansan na pinipit at nakasabit sa bilog na alambre, mga plastik na tambol, gawa sa supot na ginoma ang ibabaw ng lata ng Nido o kung ano pa man, hehehe. Ang bilis talaga ng panahon, nung highschool naman ako, naaalala ko ang gitara sa tugtugan sa pangangaroling, ayun, mabisyo ang bata, pag nangaroling, umaga na panigurado ang uwi kasi gumigimik XD, hay buhay nga naman oh. Sarap balikan ng nakaraan, nakakamiss ng sobra, grabeh. Ngayong 22 na ako, bakit kaya di ko na naiisip na mangaroling? Kayo ba nangangaroling pa rin ba? Ang masarap lang pag malapit na ang pasko, maiilaw na paligid, maraming tao, may nagtitinda ng puto bungbong, parang walang tulugan pag gabi, simbang gabi pagdating ng ika-16 ng Disyembre, maagang paggising sa umaga para magsimba, namamasko sa mga Ninong at Ninang, tambay ng gabi kasi maraming tao, gabi gabi, gimik, o dba ang saya. Sana sa buong taon pasko lagi db? Sa tingin mo? Naisip mo bang ganun ang hilingin mo sa Maykapal? Matanong nga kita ano ba ang mga wish mo ngayong magpapasko na, yung tipong kakaiba naman, yung mga imposibleng mangyari.

Para sakin lang ah:
1. Sana araw araw pasko lagi. (para laging may ilaw, mayaman lagi ang meralco, nagtataasan ang Bills ng mga kapitbahay, laging may puto bungbong, pag may patay, masaya pa rin ang mga tao kasi nga pasko, mawawalan na ng magtatangkang magnakaw pag gabi, kasi laging may tao. Imposible diba kung araw araw?)
2. Sana ako si Superman, Spiderman, o kung ano pang Superhero. (Para nararamdaman ko kung may mangyayaring masama, makatulong man sa iba o pansariling kapakanan, gustohin kong gawin ang gusto kong imposibleng mangyari.
3. Sana totoong may Genie in the Bottle. (Yung lagi nating nakikita sa Cartoons na Aladdin, may flying carpet para makatravel, at lahat ng wish ay granted in just a single poofff of cloud, hahahaha)
4. Sana totoo yung Time Machine sa Back to the Future. (Para lahat ng gusto kong balikan sa nakaraan nakikita ko, pwede kong palitan ang hinaharap, haha)
5. Sana ako si Doraemon. (Para ako na lang ang pumalit kay Santa, lahat ng gifts dudukutin ko lang sa mahiwaga kong bulsa sa tiyan XD )
Kung sa imposibleng wish man lang mangarap ka diba? Eh sa totoo lang kahit sa posibleng mangyaring mga wish, di rin natutupad. Nasa tao lang talaga kung sadyang mangyayari o hindi. Naisip ko lang sadyang makapangyarihan ang pera diba? Ultimo piso mahirap nang pulutin sa tabi tabi. Bakit kaya nung bata pako, pinagsasabit ako ng mga magulang ko ng medyas bago mag-christmas, lalagyan daw ni Santa ng regalo, eh naisip nyo ba yun? Db kahit kayo naranasan niyo yun, maliban na lang kung anak mayaman kayo, walang Santa Santa XD
Hay naku buhay nga naman, kayo ba, matanong ko lang ano ang pinakawish niyo ngayong pasko?


